Job 21:18-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

18. Bihira nilang maranasan ang mapalayas tulad ng ipa na tinatangay ng malakas na hangin.

19. Sinasabi ninyo na kapag hindi sila parurusahan ng Dios ang mga anak nila ang parurusahan. Pero sa ganang akin, ang nagkasala ang siyang dapat parusahan ng Dios para maranasan nila

20. at makita ang kanilang kapahamakan. Matikman sana nila ang galit ng Makapangyarihang Dios.

21. Kapag patay na sila, hindi na nila malalaman ang mga nangyayari sa kanilang sambahayan.

22. “Matuturuan ba ng tao ang Dios, na siya ngang pinakamataas na hukom?

23. May mga taong namamatay sa gitna ng kasaganaan at panatag na kalagayan,

24. at malusog na pangangatawan.

25. May mga tao ring namamatay sa kahirapan, at hindi nakaranas ng kahit kaunting kaginhawahan sa buhay.

Job 21