19. Sapagkat inapi niya at pinabayaan ang mga dukha, at inagaw ang mga bahay na hindi sa kanya.
20. “Hindi niya mapapakinabangan ang kanyang pinaghirapan. Lahat ng magugustuhan niya ay hindi makakaligtas sa kanya.
21. Wala ng matitira sa kanya na makakain niya dahil mawawala ang kanyang kayamanan.
22. Sa kanyang kasaganaan, darating sa kanya ang kahirapan. Labis na paghihirap nga ang darating sa kanya.
23. Bubusugin siya ng Dios ng paghihirap. Patitikimin siya ng Dios ng kanyang matinding galit, at pauulanan ng parusa.
24. Maaaring makatakas siya sa sandatang bakal pero tatamaan din siya ng panang tanso.
25. Tutusok ito sa kanyang apdo at tatagos sa kanyang katawan. At makakaramdam siya ng takot.
26. Mawawala ang kanyang kayamanan sa kadiliman. Susunugin siya ng apoy na hindi tao ang nagpaningas, pati na ang lahat ng naiwan sa kanyang tirahan.
27. Ihahayag ng langit ang mga kasalanan niya at sasaksi naman ang lupa laban sa kanya.
28. Tatangayin ng baha ang bahay niya sa araw na ibuhos ng Dios ang kanyang galit.
29. Iyan ang kapalaran ng taong masama ayon sa itinakda ng Dios sa kanya.”