1. Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama,
2. “Kailangang magsalita na ako dahil hindi ako mapakali.
3. Sinaway mo ako ng may halong pangungutya at may nag-uudyok sa isip kong ikaw ay sagutin.
4. “Tiyak na alam mo na mula pa noong unang panahon, simula nang likhain ang tao sa mundo,
5. ang ligaya ng taong masama ay sandali lang. Totoong hindi nagtatagal ang kasiyahan ng taong hindi naniniwala sa Dios.
6. Kahit na kasintaas ng langit at ulap ang tingin niya sa kanyang sarili,
7. mawawala rin siya magpakailanman katulad ng kanyang dumi. Ang mga kakilala niyaʼy magtataka kung nasaan na siya.