21. “Maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil pinahihirapan ako ng Dios.
22. Bakit ninyo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Dios sa akin? Hindi pa ba sapat ang pagpapahirap ninyo sa akin?
23. Mabuti sana kung isinulat sa aklat ang mga sinabi ko,
24. o di kayaʼy iniukit ito sa bato para hindi mabura magpakailanman.
25. “Pero alam kong buhay ang aking Tagapagligtas at sa bandang huli ay darating siya rito sa lupa para ipagtanggol ako.
26. Pagkaalis ko sa katawang ito at mabulok ang mga laman ko, makikita ko na ang Dios.