17. Ang asawa koʼy nababahuan sa hininga ko at ang mga kapatid kong lalaki ay nandidiri sa akin.
18. Hinahamak ako kahit ng mga batang paslit. Kapag nakikita nila ako, pinagtatawanan nila ako.
19. Lahat ng matalik kong kaibigan ay nasusuklam sa akin. Pati mga mahal ko sa buhay ay lumayo na rin.
20. Butoʼt balat na lang ako at halos mamamatay na.
21. “Maawa kayo sa akin, mga kaibigan ko, dahil pinahihirapan ako ng Dios.
22. Bakit ninyo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Dios sa akin? Hindi pa ba sapat ang pagpapahirap ninyo sa akin?
23. Mabuti sana kung isinulat sa aklat ang mga sinabi ko,
24. o di kayaʼy iniukit ito sa bato para hindi mabura magpakailanman.
25. “Pero alam kong buhay ang aking Tagapagligtas at sa bandang huli ay darating siya rito sa lupa para ipagtanggol ako.
26. Pagkaalis ko sa katawang ito at mabulok ang mga laman ko, makikita ko na ang Dios.
27. Makikita ko siya nang harapan at hindi na siya iba sa akin. Labis na akong nananabik na makita siya.