Job 18:8-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Siya mismo ang lumakad papunta sa bitag at nahuli siya.

9. Hindi na maalis doon ang mga paa niya.

10. Inilagay ang bitag sa dinadaanan niya, at tinabunan ng lupa.

11. Napapaligiran siya ng mga bagay na kinatatakutan niya at para bang hinahabol siya ng mga ito saanman siya pumunta.

12. Dahil sa pagkagutom, unti-unting nababawasan ang lakas niya. At ang kapahamakan ay nakahanda para ipahamak siya.

13. Ang balat niyaʼy sinisira ng nakakamatay na sakit at nabubulok ang kanyang mga paaʼt kamay.

14. Pinaalis siya sa tahanang kanlungan niya at dinala sa harap ng nakakatakot na hari.

15. Mawawala ang tirahan ng masama dahil masusunog iyon sa nagniningas na asupre.

16. Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na natuyo ang mga ugat at mga sanga.

Job 18