5. “Sa totoo lang, ang taong masama ay tiyak na mamamatay. Ang tulad niyaʼy ilaw na hindi na magbibigay ng liwanag.
6. Magdidilim sa kinaroroonan niya, dahil mamamatay ang ilawang malapit sa kanya.
7. Noon ay may katatagan siya pero ngayon ay bumabagsak. Ang sarili niyang plano ang siya ring sisira sa kanya.
8. Siya mismo ang lumakad papunta sa bitag at nahuli siya.
9. Hindi na maalis doon ang mga paa niya.
10. Inilagay ang bitag sa dinadaanan niya, at tinabunan ng lupa.
11. Napapaligiran siya ng mga bagay na kinatatakutan niya at para bang hinahabol siya ng mga ito saanman siya pumunta.
12. Dahil sa pagkagutom, unti-unting nababawasan ang lakas niya. At ang kapahamakan ay nakahanda para ipahamak siya.
13. Ang balat niyaʼy sinisira ng nakakamatay na sakit at nabubulok ang kanyang mga paaʼt kamay.
14. Pinaalis siya sa tahanang kanlungan niya at dinala sa harap ng nakakatakot na hari.