13. Ang balat niyaʼy sinisira ng nakakamatay na sakit at nabubulok ang kanyang mga paaʼt kamay.
14. Pinaalis siya sa tahanang kanlungan niya at dinala sa harap ng nakakatakot na hari.
15. Mawawala ang tirahan ng masama dahil masusunog iyon sa nagniningas na asupre.
16. Ang katulad niyaʼy isang punongkahoy na natuyo ang mga ugat at mga sanga.
17. Makakalimutan siya ng lahat dito sa daigdig at wala nang makakaalala pa sa kanya.
18. Palalayasin siya mula rito sa maliwanag na daigdig patungo sa madilim na lugar ng mga patay.
19. Wala siyang magiging anak o apo at walang matitirang buhay sa pamilya niya.