Job 18:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pagkatapos, sumagot si Bildad na taga-Shua,

2. “Job, hanggang kailan ka ba magsasalita ng ganyan? Ayusin mo ang sinasabi mo at saka kami makikipag-usap sa iyo.

3. Ang tingin mo ba sa amin ay para kaming mga hayop na hindi nakakaunawa?

4. Sinasaktan mo lang ang sarili mo dahil sa galit mo. Ang akala mo baʼy dahil lang sa iyo, pababayaan na ng Dios ang mundo o ililipat niya ang mga bato mula sa kinaroroonan nila?

5. “Sa totoo lang, ang taong masama ay tiyak na mamamatay. Ang tulad niyaʼy ilaw na hindi na magbibigay ng liwanag.

6. Magdidilim sa kinaroroonan niya, dahil mamamatay ang ilawang malapit sa kanya.

7. Noon ay may katatagan siya pero ngayon ay bumabagsak. Ang sarili niyang plano ang siya ring sisira sa kanya.

8. Siya mismo ang lumakad papunta sa bitag at nahuli siya.

9. Hindi na maalis doon ang mga paa niya.

10. Inilagay ang bitag sa dinadaanan niya, at tinabunan ng lupa.

11. Napapaligiran siya ng mga bagay na kinatatakutan niya at para bang hinahabol siya ng mga ito saanman siya pumunta.

12. Dahil sa pagkagutom, unti-unting nababawasan ang lakas niya. At ang kapahamakan ay nakahanda para ipahamak siya.

Job 18