Job 17:9-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Para sa kanila ang matuwid ay matatag ang pamumuhay at lalo pang nagiging matatag.

10. Pero hinahamon ko sila na minsan pa nila akong siyasatin. At tiyak na matutuklasan kong wala kahit isa sa kanila ang nakakaunawa.

11. Malapit nang matapos ang mga araw ko. Bigo ang mga plano koʼt hinahangad.

Job 17