Job 17:10-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Pero hinahamon ko sila na minsan pa nila akong siyasatin. At tiyak na matutuklasan kong wala kahit isa sa kanila ang nakakaunawa.

11. Malapit nang matapos ang mga araw ko. Bigo ang mga plano koʼt hinahangad.

12. Pero sinasabi ng iba na baka sakaling maging mabuti rin ang kalagayan ko sa hinaharap, dahil sa kabila raw ng dilim ay may liwanag.

13. Ngunit kung ako man ay may pag-asa pa, doon ito sa lugar ng mga patay kung saan ako titira. At nais ko nang ilagay ang higaan ko sa madilim na lugar na iyon.

14. Ituturing kong ama ang libingan ko at ang mga uod ang siya kong ina at babaeng kapatid.

15. May pag-asa pa kaya ako? Sinong makapagsasabi na may pag-asa pa ako?

16. Kasama kong malilibing ang pag-asa ko. Magkakasama kami roon sa ilalim ng lupa.”

Job 17