Job 16:11-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Ipinaubaya ako ng Dios sa kamay ng taong masasama at makasalanan.

12. Maganda ang kalagayan ko noon, pero sinira niya ako. Hinawakan niya ako sa leeg, inilugmok, at ginawa niya akong puntiryahan.

13. Pinalibutan ako ng mga tagapana niya at walang awang pinagpapana. Tinamaan ang aking bato, at ang apdo koʼy bumulwak sa lupa.

14. Paulit-ulit niya akong sinusugatan. Sinasalakay niya akong parang mandirigma.

15. Nagdamit ako ng sako at naupo sa lupa para magluksa.

16. Namumula na ang mukha ko at namumugto na ang mga mata sa kakaiyak.

Job 16