Job 15:7-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Akala mo baʼy ikaw ang unang isinilang? Ipinanganak ka na ba bago nilikha ang mga bundok?

8. Narinig mo na ba ang mga plano ng Dios? Ikaw lang ba ang marunong?

9. Ano bang alam mo na hindi namin alam? At ano ang naunawaan mo na hindi namin naunawaan?

10. Natuto kami sa matatanda na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.

11. Sinabi namin sa iyo ang mga salitang mula sa Dios na makapagbibigay ng lakas at aliw sa iyo. Hindi pa ba sapat iyon?

Job 15