Job 15:20-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. “Ang taong masama ay maghihirap habang buhay.

21. Palagi siyang kinakabahan kahit na walang panganib, dahil iniisip niya na baka salakayin siya ng mga tulisan.

22. Takot din siyang pumunta sa dilim dahil baka may pumatay sa kanya.

23. Kung saan-saan siya naghahanap ng pagkain. Alam niyang malapit nang dumating ang kapahamakan.

24. Kaya labis ang kanyang pagkatakot, katulad ng hari na naghahanda sa pagsalakay sa kanyang mga kaaway.

25. Nangyayari ito sa kanya dahil nagrerebelde at sumusuway siya sa Makapangyarihang Dios.

26. Para siyang nakahawak sa matibay na kalasag at handang kalabanin ang Dios.

27. Kahit mataba at mayaman siya ngayon,

28. titira siya sa mga gibang bayan, sa mga bahay na walang nakatira at malapit nang gumuho.

29. Hindi na dadami ang kanyang kayamanan, at ang mga natitira niyang yaman at ari-arian ay hindi na magtatagal.

30. Hindi siya makakatakas sa kapahamakan. Magiging tulad siya ng puno na ang mga sangaʼy masusunog. Lahat ng ari-arian niya ay mawawala sa isang ihip lamang ng Dios.

31. Huwag sana niyang dayain ang sarili niya sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga bagay na walang kabuluhan, dahil wala siyang makukuha sa mga iyon.

Job 15