11. Sinabi namin sa iyo ang mga salitang mula sa Dios na makapagbibigay ng lakas at aliw sa iyo. Hindi pa ba sapat iyon?
12. Bakit nagpapadala ka sa iyong damdamin? Nabubulagan ka na ba sa katotohanan
13. para magalit ka sa Dios at magsalita ng masama laban sa kanya?
14. Kaya ba ng isang tao na mamuhay ng malinis at matuwid sa paningin ng Dios?
15. Ni hindi nga lubusang nagtitiwala ang Dios sa mga anghel niya. Kung ang mga nilalang niyang ito na nasa langit ay hindi lubusang malinis sa kanyang paningin,
16. ang tao pa kaya na ipinanganak na masama at makasalanan, at uhaw sa paggawa ng masama?
17. “Job, pakinggan mo ako. Sasabihin ko sa iyo at ipapaliwanag ang mga naranasan ko.
18. May masasabi rin tungkol dito ang mga marurunong na tao na natuto sa kanilang mga ninuno.
19. Sila lang ang nagmamay-ari ng kanilang lupain, at walang dayuhang sumakop sa kanila.
20. “Ang taong masama ay maghihirap habang buhay.
21. Palagi siyang kinakabahan kahit na walang panganib, dahil iniisip niya na baka salakayin siya ng mga tulisan.
22. Takot din siyang pumunta sa dilim dahil baka may pumatay sa kanya.
23. Kung saan-saan siya naghahanap ng pagkain. Alam niyang malapit nang dumating ang kapahamakan.
24. Kaya labis ang kanyang pagkatakot, katulad ng hari na naghahanda sa pagsalakay sa kanyang mga kaaway.
25. Nangyayari ito sa kanya dahil nagrerebelde at sumusuway siya sa Makapangyarihang Dios.
26. Para siyang nakahawak sa matibay na kalasag at handang kalabanin ang Dios.
27. Kahit mataba at mayaman siya ngayon,