Job 15:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sumagot si Elifaz na taga-Teman,

2. “Job, ang taong marunong ay hindi nagsasalita ng walang kabuluhan.

3. Hindi siya nakikipagtalo sa mga salitang walang saysay.

4. Pero ang mga sinasabi moʼy magtutulak sa tao upang mawalan ng paggalang sa Dios at magiging hadlang sa paglilingkod sa kanya.

5. Ang sinasabi mo ay bunga ng iyong kasamaan. At dinadaya mo ang iba sa pamamagitan ng iyong mga sinasabi.

6. Hindi na kailangang hatulan pa kita, dahil ang iyong mga sinasabi mismo ang nagpapatunay laban sa iyo.

7. Akala mo baʼy ikaw ang unang isinilang? Ipinanganak ka na ba bago nilikha ang mga bundok?

8. Narinig mo na ba ang mga plano ng Dios? Ikaw lang ba ang marunong?

9. Ano bang alam mo na hindi namin alam? At ano ang naunawaan mo na hindi namin naunawaan?

Job 15