Job 13:6-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

6. “Pakiusap naman! Pakinggan ninyo ang katuwiran ko.

7. Ipagtatanggol nʼyo ba ang Dios sa pamamagitan ng pagsisinungaling?

8. Kumakampi ba kayo sa kanya? Ipagtatanggol ba ninyo siya?

9. Kung siyasatin kaya kayo ng Dios, may kabutihan kaya siyang makikita sa inyo? Huwag ninyong isipin na madadaya ninyo siya tulad ng pandaraya ninyo sa mga tao.

10. Tiyak na sasawayin kayo ng Dios kahit na kinakampihan ninyo siya.

11. Hindi ba kayo natatakot sa kapangyarihan niya?

12. Ang mga binabanggit nʼyong kasabihan ay walang kabuluhan; itoʼy parang abo. Ang mga katuwiran nʼyo ay marupok gaya ng palayok.

13. “Tumahimik kayo habang nagsasalita ako, at anuman ang mangyari sa akin, bahala na.

14. Nakahanda akong itaya ang buhay ko.

15. Tiyak na papatayin ako ng Dios; wala na akong pag-asa. Pero ipagtatanggol ko pa rin ang aking sarili sa kanya.

Job 13