2. Ang alam ninyo ay alam ko rin. Hindi kayo nakahihigit sa akin.
3. Pero hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa Makapangyarihang Dios ko na lang ito idudulog.
4. Sapagkat pinagsisikapan ninyong gamutin ako ng kasinungalingan. Lahat kayoʼy parang manggagamot na walang silbi.
5. Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo. Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin.
6. “Pakiusap naman! Pakinggan ninyo ang katuwiran ko.
7. Ipagtatanggol nʼyo ba ang Dios sa pamamagitan ng pagsisinungaling?
8. Kumakampi ba kayo sa kanya? Ipagtatanggol ba ninyo siya?
9. Kung siyasatin kaya kayo ng Dios, may kabutihan kaya siyang makikita sa inyo? Huwag ninyong isipin na madadaya ninyo siya tulad ng pandaraya ninyo sa mga tao.