Job 13:16-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. Baka sakaling sa pamamagitan nito ay maligtas ako, dahil walang masamang tao na makakalapit sa kanya.

17. “Pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko.

18. Ngayong handa na akong ipagtanggol ang sarili ko; alam kong mapapawalang-sala ako.

19. Sino ang makapagpaparatang na nagkasala ako? Kung mayroon nga, mananahimik na lang ako hanggang sa mamatay.

20. “O Dios, dalawang bagay lang ang hinihiling ko sa inyo, na kung ibibigay nʼyo sa akin ay hindi na ako magtatago sa inyo:

21. Tigilan nʼyo na ang pagpaparusa sa akin at huwag nʼyo na akong takutin ng mga nakakatakot na parusa ninyo.

Job 13