Job 13:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. “Nakita koʼt napakinggan ang lahat ng sinabi ninyo, at itoʼy aking naunawaan.

2. Ang alam ninyo ay alam ko rin. Hindi kayo nakahihigit sa akin.

3. Pero hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa Makapangyarihang Dios ko na lang ito idudulog.

4. Sapagkat pinagsisikapan ninyong gamutin ako ng kasinungalingan. Lahat kayoʼy parang manggagamot na walang silbi.

5. Mas mabuti pang tumahimik na lang kayo. Iyan ang pinakamabuti nʼyong gawin.

Job 13