5. Ang mga taong naghihirap na gaya ko na tila mabubuwal ay kinukutya ng mga taong walang problema.
6. Pero ang mga tulisan at ang mga taong ginagalit ang Dios ay namumuhay ng payapa gayong ang dinidios nilaʼy ang sarili nilang kakayahan.
9. Sapagkat alam nila na ang Panginoon ang may gawa nito.
10. Nasa kamay niya ang buhay o hininga ng bawat nilalang, pati na ng tao.
11. Kung alam ng dila ng tao kung alin ang masarap o hindi masarap na pagkain, alam din ng tainga ng tao kung alin ang mabuti o masamang salita.
12. Maraming alam sa buhay ang matatanda, dahil habang tumatagal ang buhay nila, lalong dumarami ang kanilang nalalaman.