Job 12:19-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

19. Tinatanggal niya sa tungkulin ang mga pari at ang mga taong may kapangyarihan.

20. Pinatatahimik niya ang mga pinagkakatiwalaang tagapayo at inaalis ang karunungan ng matatanda.

21. Hinahamak niya ang mga mararangal na tao at inaalisan ng kakayahan ang mga may kapangyarihan.

22. Ang mga lihim ay kanyang inihahayag, at ang madilim ay pinapalitan ng liwanag.

23. Pinalalakas niya ang mga bansa at pinapalawak ang kanilang teritoryo, pero ibinabagsak din niya ito at winawasak.

24. Ginagawa niyang mangmang ang kanilang mga pinuno at inililigaw sila sa ilang.

25. Kaya para silang bulag na kumakapa sa dilim at sumusuray-suray na parang lasing.

Job 12