15. Kung pipigilin niya ang ulan, matutuyo ang lupa, at kung ibubuhos naman niya ito, babahain ang lupa.
16. Makapangyarihan siyaʼt matagumpay, at nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan ang mandaraya at ang dinadaya.
17. Inaalisan niya ng karunungan ang mga tagapayo, at ginagawang mangmang ang mga hukom.
18. Pinaaalis niya ang mga hari sa kanilang trono at ipinabibihag.
19. Tinatanggal niya sa tungkulin ang mga pari at ang mga taong may kapangyarihan.
20. Pinatatahimik niya ang mga pinagkakatiwalaang tagapayo at inaalis ang karunungan ng matatanda.