7. “Kaya mo bang unawain ang lahat-lahat tungkol sa Dios?
10. “Halimbawang dakpin ka ng Dios, iharap sa hukuman at ipakulong, may makakapigil ba sa kanya?
11. Alam niya kung sino ang mga mandaraya at hindi lingid sa kanya ang kanilang kasamaan.
12. Ang mangmang ay imposibleng maging marunong gaya ng asnong-gubat na imposibleng manganak ng tao.
13. “Job, kung magsisisi ka at lalapit sa Dios,
14. at tatalikuran ang iyong mga kasalanan, at kung pati ang sambahayan mo ay magsisisi sa kanilang kasalanan,
15. tiyak na hindi ka na mapapahiya, tatatag ang iyong pamumuhay at wala ka nang katatakutan.
16. Makakalimutan mo na rin ang iyong paghihirap na parang tubig na umagos lang at nawala.
17. At ang buhay moʼy magiging mas maliwanag pa kaysa sa sikat ng araw sa katanghaliang tapat. At ang dati mong buhay na madilim ay magiging maliwanag na parang umaga.
18. Mapapanatag ang buhay mo dahil may bago kang pag-asa. Iingatan ka ng Dios at makapagpapahinga ka ng walang kinatatakutan.