Job 11:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Pagkatapos, sumagot si Zofar na taga-Naama,

2. “Hindi dapat palampasin itong mga sinabi mo. Hindi mapapatunayan ng isang tao na wala siyang kasalanan sa pamamagitan lang ng kanyang mga salita.

3. Sa tingin mo baʼy mapapatahimik kami ng mga sinasabi mong walang saysay? Akala mo baʼy hindi ka namin sasawayin sa iyong panunuya?

4. Sinasabi mong tama ang iyong paniniwala at matuwid ka sa paningin ng Dios.

5. Magsalita sana ang Dios laban sa iyo,

6. at sabihin sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa alam. May mga bagay na alam mo na at may mga bagay ding hindi mo pa alam. Alam mo bang ang parusa ng Dios sa iyo ay kulang pa sa nararapat sa iyo?

7. “Kaya mo bang unawain ang lahat-lahat tungkol sa Dios?

10. “Halimbawang dakpin ka ng Dios, iharap sa hukuman at ipakulong, may makakapigil ba sa kanya?

11. Alam niya kung sino ang mga mandaraya at hindi lingid sa kanya ang kanilang kasamaan.

12. Ang mangmang ay imposibleng maging marunong gaya ng asnong-gubat na imposibleng manganak ng tao.

Job 11