4. Ang paningin nʼyo baʼy tulad ng paningin ng tao?
5. Ang buhay nʼyo baʼy kasing-ikli ng buhay ng tao?
6. Bakit pilit nʼyo akong hinahanapan ng kasalanan?
7. Alam nʼyong wala akong kasalanan, pero sino ang makapagtatanggol sa akin mula sa inyong kamay?
8. “ ‘Kayo ang gumawa at humubog sa akin, at ngayon kayo rin ang sisira sa akin.
9. Alalahanin ninyong akoʼy hinubog nʼyo mula sa lupa at ngayon baʼy ibabalik nʼyo na ako sa lupa?
10. Hindi baʼt kayo ang humubog sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina na parang keso na hinubog mula sa gatas?
11. Binuo nʼyo ang aking mga buto at litid, at saka binalutan ng laman at balat.
12. Pagkatapos, binigyan nʼyo ako ng buhay, pinakitaan ng kabutihan at iningatan.
13. Pero nalaman ko na ang tunay ninyong plano sa akin
14. ay ang bantayan ako kung magkakasala ako at kapag nangyari iyon, hindi nʼyo ako patatawarin.
15. Nagkasala man ako o hindi, pareho lang naman na nakakaawa ako, dahil sa labis na kahihiyan at paghihirap na dinaranas ko.
16. Pinagsisikapan kong bumangon, pero para kayong leon na nakaabang sa akin. Ginagamit nʼyo ang inyong kapangyarihan laban sa akin.