17. Patuloy nʼyo akong isinasakdal at lalo kayong nagagalit sa akin. Walang tigil nʼyo akong nilulusob.
18. “ ‘Bakit niloob nʼyo pa na isilang ako? Sanaʼy namatay na lang ako at wala nang nakakita sa akin.
19. Hindi na lang sana ako nilikha. Namatay na lang sana ako bago isinilang at itinuloy sa libingan.
20. Maikling panahon na lang ang natitira sa akin, kaya hayaan nʼyo na lang ako para kahit saglit man lang ay sumaya naman ako,
21. bago ako pumunta sa lugar na malungkot at madilim, at hindi na ako makakabalik pa rito.
22. Napakadilim sa lugar na iyon; palaging gabi at walang liwanag, at naghahari doon ang kaguluhan.’ ”