1. “Kinasusuklaman ko ang buhay ko, kaya dadaing ako hanggaʼt gusto ko. Sasabihin ko ang aking sama ng loob.
2. Ito ang sasabihin ko sa Dios: ‘Huwag nʼyo akong hatulan na masama ako. Sabihin nʼyo sa akin kung ano ang kasalanan ko sa inyo.
3. Natutuwa ba kayo na pinahihirapan nʼyo ako? Bakit nʼyo itinatakwil ang inyong nilikha, at sinasang-ayunan naman ang binabalak ng masama?
4. Ang paningin nʼyo baʼy tulad ng paningin ng tao?
5. Ang buhay nʼyo baʼy kasing-ikli ng buhay ng tao?
6. Bakit pilit nʼyo akong hinahanapan ng kasalanan?
7. Alam nʼyong wala akong kasalanan, pero sino ang makapagtatanggol sa akin mula sa inyong kamay?
8. “ ‘Kayo ang gumawa at humubog sa akin, at ngayon kayo rin ang sisira sa akin.
9. Alalahanin ninyong akoʼy hinubog nʼyo mula sa lupa at ngayon baʼy ibabalik nʼyo na ako sa lupa?
10. Hindi baʼt kayo ang humubog sa akin mula sa sinapupunan ng aking ina na parang keso na hinubog mula sa gatas?
11. Binuo nʼyo ang aking mga buto at litid, at saka binalutan ng laman at balat.
12. Pagkatapos, binigyan nʼyo ako ng buhay, pinakitaan ng kabutihan at iningatan.
13. Pero nalaman ko na ang tunay ninyong plano sa akin