Jeremias 41:14-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

14. Silang lahat na bihag ni Ishmael mula sa Mizpa ay nagtakbuhan patungo kay Johanan.

15. Pero tumakas sa Ammon ang anak ni Netania na si Ishmael at ang walo niyang kasama.

16. Tinipon ni Johanan at ng mga pinunong kasama niya ang lahat ng bihag ni Ishmael mula sa Mizpa, kabilang dito ang mga kawal, babae, bata at ang mga pinuno sa palasyo na mula sa Gibeon. At mula sa Gibeon,

17. pumunta sila sa Gerut Kimham malapit sa Betlehem at tumuloy sa Egipto.

18. Sapagkat natatakot sila sa mga taga-Babilonia dahil pinatay ni Ishmael si Gedalia na pinili ng hari ng Babilonia bilang gobernador sa buong lupain.

Jeremias 41