1. Sinabi pa sa akin ng Panginoon,
2. “Pumunta ka sa bahay ng magpapalayok at doon ko sasabihin sa iyo ang nais kong sabihin.”
3. Kaya pumunta ako sa bahay ng magpapalayok at nakita ko na gumagawa siya ng palayok.
4. Kapag hindi maganda ang hugis ng palayok na ginagawa niya, inuulit niya ito hanggang sa magustuhan niya ang hugis.
5. Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon,
6. “O mga mamamayan ng Israel, hindi ko ba magagawa sa inyo ang ginawa ng magpapalayok sa luwad na ito? Kung papaanong ang luwad ay nasa kamay ng magpapalayok, kayo rin ay nasa mga kamay ko.
7. Kapag sinabi ko na ang isang bansa o kaharian ay babagsak at mawawasak,
8. at ang bansa o kahariang iyon ay tumigil sa paggawa ng masama, hindi ko na itutuloy ang balak kong pagwasak sa kanila.