Jeremias 14:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ito ang sinabi sa akin ng Panginoon tungkol sa mahabang tagtuyot:

2. “Nagluluksa ang Juda; ang mga lungsod niyaʼy nanlulupaypay. Nakaupo ang mga mamamayan niya sa lupa na umiiyak, at naririnig ang iyakan sa Jerusalem.

3. Inutusan ng mayayaman ang mga alipin nila na umigib ng tubig. Pumunta sila sa mga balon pero walang tubig doon. Kaya bumalik silang walang laman ang mga lalagyan, at nagtakip ng mga ulo dahil sa matinding hiya.

4. Nabitak ang lupa dahil walang ulan. At dahil sa hinagpis, tinakpan ng mga magbubukid ang mga ulo nila.

5. Kahit ang usa ay iniwanan ang anak niya na kasisilang pa lang dahil wala nang sariwang damo.

6. Ang mga asnong-gubat ay tumatayo sa mga burol at humihingal na parang asong-gubat. Nanlalabo na ang kanilang paningin dahil sa kawalan ng pagkain.”

7. Sinabi ng mga tao, “O Panginoon, nagkasala po kami sa inyo. Palagi kaming lumalayo sa inyo kaya dapat lang kaming parusahan. Pero tulungan po ninyo kami ngayon, alang-alang sa karangalan ng pangalan ninyo.

Jeremias 14