1. “Bumangon ka, Jerusalem, at magliwanag katulad ng araw, dahil dumating na ang kaligtasan mo. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ng Panginoon.
2. Mababalot ng matinding kadiliman ang mga bansa sa mundo, pero ikaw ay liliwanagan ng kaluwalhatian ng Panginoon.
3. Lalapit sa iyong liwanag ang mga bansa at ang kanilang mga hari.