16. Ako ang Panginoon na gumawa ng daan sa gitna ng dagat.
17. Tinipon ko ang mga karwahe, mga kabayo, at mga sundalo ng Egipto, at winasak sa gitna ng dagat at hindi na sila nakabangon pa. Para silang ilaw na namatay.
18. Pero huwag na ninyong iisipin pa ang nakaraan,
19. dahil bagong bagay na ang gagawin ko. Itoʼy nangyayari at nakikita na ninyo. Gagawa ako ng daan at mga bukal sa disyerto.