Isaias 4:4-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, hahatulan niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon.

5. Pagkatapos, lilikha ang Panginoon ng ulap na lililim sa ibabaw ng Jerusalem at sa mga nagtitipon doon. Lilikha rin siya ng nagniningas na apoy na magbibigay ng liwanag kung gabi. Tatakip ito sa Jerusalem na parang isang malapad na tolda,

6. at parang kubol na magsisilbing lilim sa init ng araw at kublihan sa panahon ng bagyo at ulan.

Isaias 4