1. Sa mga araw na iyon ang awit na itoʼy aawitin sa Juda:Matatag na ang ating lungsod!Ang Pagliligtas ng Dios ay parang pader na nakapalibot sa atin.
2. Buksan ang mga pintuan ng lungsod para makapasok ang bansang matuwid at tapat sa Panginoon.
3. Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
4. Magtiwala kayong lagi sa Panginoon,dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
5. Ang totoo, ibinabagsak niya ang mga mapagmataas.Winawasak niya ang kanilang lungsod hanggang sa madurog sa lupa.
6. At itoʼy tinatapak-tapakan ng mga dukha na kanilang inapi.
7. Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.
8. Panginoon, sinunod namin ang inyong mga utos,at nagtiwala kami sa inyo.Hangad namin na kayo ay aming maparangalan.
9. Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi.Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo,matututo silang mamuhay nang matuwid.