Isaias 23:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ang mensaheng itoʼy tungkol sa Tyre:Umiyak kayong mga pasahero ng mga barko ng Tarshish. Sapagkat nawasak na ang inyong daungan sa Tyre. Sinabi na iyon sa inyo ng mga nanggaling sa Cyprus.

2. Tumahimik kayong mga naninirahan sa tabing-dagat pati na kayong mga mangangalakal ng Sidon. Ang inyong mga biyahero na nagpayaman sa inyo ay bumibiyahe

3. sa mga karagatan para bumili at magbenta ng mga ani mula sa Shihor na bahagi ng Ilog ng Nilo. At nakikipagkalakalan sa inyo ang mga bansa.

4. Mahiya ka, lungsod ng Sidon, ikaw na kanlungan ng mga taong nakatira sa tabing-dagat. Itinatakwil ka na ng karagatan. Sinabi niya, “Wala na akong anak; wala akong inalagaang anak, babae man o lalaki.”

5. Labis na magdaramdam ang mga taga-Egipto kapag nabalitaan nila ang nangyari sa Tyre.

6. Umiyak kayo, kayong mga naninirahan sa tabing-dagat. Tumawid kayo sa Tarshish.

Isaias 23