Isaias 2:3-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok ng Panginoon, sa templo ng Dios ni Jacob.Tuturuan niya tayo roon ng kanyang mga pamamaraan upang sundin natin.”Kaya magsisiuwi ang mga tao mula sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem, na dala ang Kautusan ng Panginoon.

4. At sa pamamagitan ng mga kautusan niya, pagkakasunduin niya ang maraming bansa.Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa, at hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan.Gagawin na lang nilang talim ng araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat.

5. Halikayo, mga lahi ni Jacob, mamuhay tayo sa katotohanan, na ibinigay sa atin ng Panginoon.

6. Totoong itinakwil nʼyo, Panginoon, ang mga mamamayan ninyo, ang lahi ni Jacob, dahil naniniwala sila sa mga pamahiing mula sa silangan at sa mga manghuhula, gaya ng mga Filisteo. Sinusunod nila ang pag-uugali ng mga dayuhan.

7. Sagana sa pilak at ginto ang lupain ng Israel, at hindi nauubos ang kanilang kayamanan. Napakarami nilang kabayo, at hindi mabilang ang mga karwahe nila.

8. Marami silang dios-diosan, at sinasamba nila ang mga bagay na ito na sila mismo ang gumawa.

9. Kaya Panginoon, ibagsak nʼyo ang bawat isa sa kanila, nang mapahiya sila. Huwag nʼyo silang patatawarin.

10. Mga taga-Israel, tumakas kayo papunta sa mga kweba at mga hukay para magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan.

11. Darating ang araw na tanging ang Panginoon lamang ang pupurihin. Ibabagsak niya ang mayayabang at mga mapagmataas.

12. Sapagkat nagtakda ang Panginoong Makapangyarihan ng araw kung kailan niya ibabagsak ang mga mayayabang at mapagmataas, at ang mga nag-aakalang silaʼy makapangyarihan.

13. Puputulin niya ang lahat ng matataas na puno ng sedro sa Lebanon at ang lahat ng puno ng ensina sa Bashan.

14. Papantayin niya ang lahat ng matataas na bundok at burol,

Isaias 2