Isaias 2:20-22 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at mga paniki ang mga rebulto nilang pilak at ginto na ginawa nila para sambahin.

21. Tatakas nga sila papunta sa mga kweba sa burol at sa malalaking bato para magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan kapag niyanig na niya ang mundo.

22. Huwag kayong magtitiwala sa tao. Mamamatay lang din sila. Ano ba ang magagawa nila?

Isaias 2