16. Palulubugin niya ang lahat ng barko ng Tarshish at ang mga naggagandahang sasakyang pandagat.
17. Ibabagsak nga niya ang mayayabang at mga mapagmataas. Tanging ang Panginoon ang maitataas sa araw na iyon.
18. At tuluyan nang mawawala ang mga dios-diosan.
19. Kapag niyanig na niya ang mundo, tatakas ang mga tao papunta sa mga kweba sa burol at sa mga hukay sa lupa para magtago sa galit ng Panginoon at sa kanyang kapangyarihan.
20. Sa araw na iyon, itatapon nila sa mga daga at mga paniki ang mga rebulto nilang pilak at ginto na ginawa nila para sambahin.