Isaias 17:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Ang mensaheng itoʼy tungkol sa Damascus: “Makinig kayo! Ang Damascus ay hindi na magiging lungsod dahil magigiba ito.

2. Wala nang titira sa lungsod ng Aroer. Magiging pastulan na lamang ito ng mga hayop, at walang gagambala sa kanila roon.

3. Mawawasak ang mga napapaderang mga lungsod ng Israel, at mawawala ang kapangyarihan ng Damascus. Ang sasapitin ng mga matitira sa Aram ay katulad ng sinapit ng mga taga-Israel. Ako, ang Panginoong Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.

4. “Pagdating ng araw na iyon, mawawala na ang kapangyarihan ng Israel, at ang kanyang kayamanan ay mapapalitan ng kahirapan.

5. Matutulad siya sa taniman ng mga butil na ginapas na ng mga nag-aani, tulad ng taniman sa Lambak ng Refaim pagkatapos ng anihan.

Isaias 17