52. Nilusob ni Abimelec ang tore. At nang susunugin na sana niya ito,
53. hinulugan siya ng babae ng gilingang bato at pumutok ang kanyang ulo.
54. Agad niyang tinawag ang tagadala ng armas niya at sinabihan, “Patayin mo ako ng espada mo para hindi nila masabi na isang babae lang ang nakapatay sa akin.” Kaya pinatay siya ng kanyang utusan.
55. Nang makita ng mga tauhan ni Abimelec na patay na siya, nagsiuwi sila.
56. Sa ganitong paraan, pinagbayad ng Dios si Abimelec sa ginawa niyang masama sa kanyang ama dahil sa pagpatay niya sa 70 kapatid niya.
57. Pinagbayad din ng Dios ang mga taga-Shekem sa lahat ng kanilang kasamaan. Kaya natupad ang sumpa ni Jotam na anak ni Gideon.