Hukom 5:22-31 Ang Salita ng Dios (ASND)

22. At ngayon, maririnig ang yabag ng mga paa ng mga kabayo.

23. Pagkatapos, sinabi ng anghel ng Panginoon, “Sumpain ang Meroz!Sumpain kayong mga naninirahan dito dahil hindi kayo tumulong nang makipaglaban ang Panginoon sa mga makapangyarihang tao.”

24. Higit na mapalad si Jael na asawa ni Heber na Keneo kaysa sa lahat ng babae na nakatira sa mga tolda.

25. Nang humingi ng tubig si Sisera, gatas ang kanyang ibinigay na nakalagay sa mamahaling sisidlan.

26. Pagkatapos, kumuha siya ng martilyo at tulos ng tolda at ipinukpok sa sentido ni Sisera.

27. At namatay si Sisera na nakahandusay sa paanan ni Jael.

28. Nakamasid sa bintana ang ina ni Sisera, na hindi mapakali at nagtatanong kung bakit hindi pa dumadating ang kanyang anak.

29. Sumagot ang mga pinakamatalino sa kanyang mga kababaihan, at ito rin ang paulit-ulit niyang sinasabi sa kanyang sarili,

30. “Baka natagalan sila sa pangunguha at paghahati ng mga bagay na nasamsam nila sa kanilang mga kalaban:isa o dalawang babae para sa bawat sundalo, mamahaling damit para kay Sisera,at binurdahang damit na napakaganda para sa akin.”

31. Kaya malipol sana ang lahat ng kalaban mo, O Panginoon.Pero ang mga nagmamahal sana sa inyo ay matulad sana sa pagsikat ng araw na sobrang liwanag.At nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng 40 taon.

Hukom 5