17. Nagpaiwan din ang lahi ni Gad sa silangan ng Jordan,at ang lahi ni Dan naman ay nagpaiwan sa trabaho nila sa mga barko.Ang lahi ni Asher naman ay nagpaiwan sa tinitirhan nila sa tabi ng dagat.
18. Pero itinaya ng lahi nina Zebulun at Naftali ang kanilang buhay sa pakikipaglaban.
19. Dumating ang mga haring Cananeo at nakipaglaban sa mga Israelita sa Taanac na nasa tabi ng Ilog ng Megido,pero kahit isang pilak ay wala silang nasamsam.
20. Hindi lang ang Israel ang nakipaglaban kay Sisera, kundi pati rin ang mga bituin.
21. Inanod sila sa Lambak ng Kishon, ang napakatagal nang lambak.Magpapatuloy ako sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng lakas ng Panginoon.
22. At ngayon, maririnig ang yabag ng mga paa ng mga kabayo.
23. Pagkatapos, sinabi ng anghel ng Panginoon, “Sumpain ang Meroz!Sumpain kayong mga naninirahan dito dahil hindi kayo tumulong nang makipaglaban ang Panginoon sa mga makapangyarihang tao.”
24. Higit na mapalad si Jael na asawa ni Heber na Keneo kaysa sa lahat ng babae na nakatira sa mga tolda.
25. Nang humingi ng tubig si Sisera, gatas ang kanyang ibinigay na nakalagay sa mamahaling sisidlan.