2. Naroon din ang pinuno ng bawat lahi ng Israel nang magtipon ang mga mamamayan ng Dios. May 400,000 silang lahat na sundalong armado ng espada.
3. Nabalitaan ng mga taga-Benjamin na ang ibang mga lahi ng Israel ay nagtipon sa Mizpa.At ngayon nagtatanong ang mga Israelita, “Paano nangyari ang kasamaang ito?”
4. Sinabi ng Levita na asawa ng babaeng pinatay, “Dumaan kami ng asawa ko sa Gibea na sakop ng Benjamin para doon magpalipas ng gabi.
5. Kinagabihan, pinaligiran ng ilang lalaking taga-Gibea ang bahay na tinutuluyan namin. Papatayin sana nila ako, pero ginahasa nila ang asawa ko hanggang sa namatay ito.
6. Kaya dinala ko pauwi ang bangkay niya at pinagputol-putol at ipinadala sa 12 lahi ng Israel, dahil napakasama at kahiya-hiya ang ginawa ng mga taong ito sa Israel.
7. Lahat tayong mga Israelita, ano ngayon ang gagawin natin?”
8. Nagkaisa ang mga tao na nagsabi, “Wala ni isa man sa atin ang uuwi.
9. Ito ang gagawin natin. Magpalabunutan tayo kung sino sa atin ang lulusob sa Gibea.
10. Ang ikasampung bahagi ng lahat ng lalaki sa bawat lahi ang mag-aasikaso sa pagkain ng mga sundalo. Ang natitira ang maghihiganti sa mga taga-Gibea dahil sa napakasamang ginawa nila sa Israel.”
11. Kaya nagkaisa ang mga lalaki ng Israel sa paglusob sa Gibea.