Hukom 17:7-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. May isang binatilyong Levita na nakatira sa Betlehem na sakop ng Juda.

8. Isang araw, umalis siya para maghanap ng matitirhan sa ibang lugar. Sa kanyang pag-alis, napadaan siya sa bahay ni Micas sa kabundukan ng Efraim.

9. Tinanong siya ni Micas, “Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Taga-Betlehem po ako, na sakop ng Juda, at isa po akong Levita. Naghahanap po ako ng matitirhan.”

12. Ginawa siyang pari ni Micas at doon pinatira sa kanyang bahay.

13. Sinabi ni Micas, “Ngayon, natitiyak kong pagpapalain ako ng Panginoon dahil may pari na akong Levita.”

Hukom 17