1. Si Jefta na taga-Gilead ay isang magiting na sundalo. Si Gilead ang kanyang ama at ang kanyang ina ay isang babaeng bayaran.
2. May mga anak si Gilead sa asawa niya. At nang lumaki sila, pinalayas nila si Jefta. Sinabi nila, “Wala kang mamanahin sa aming ama, dahil anak ka sa ibang babae.”
3. Kaya lumayo si Jefta sa kanila at tumira sa Tob, kung saan sumama sa kanya ang isang grupo ng mga taong palaboy-laboy.
4. Nang panahong iyon, naglaban ang mga Ammonita at mga Israelita.
5. Dahil dito, pinuntahan ng mga tagapamahala ng Gilead si Jefta roon sa Tob.