1. “Gusto ko sanang pagalingin ang mga taga-Israel. Pero ang nakikita ko sa kanila ay ang kanilang mga kasamaan. Nandaraya sila, pinapasok ang mga bahay para nakawan, at nanghoholdap sa mga daan.
2. Hindi nila naiisip na hindi ko nakakalimutan ang kanilang mga kasamaan. Hanggang ngayon ay nakatali pa sila sa kanilang mga kasalanan at nakikita kong lahat ito.
3. Napapasaya nila ang kanilang hari at mga pinuno sa kanilang kasamaan at kasinungalingan.