Hoseas 6:1-2 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nag-usap-usap ang mga taga-Israel. Sabi nila, “Halikayo! Magbalik-loob tayo sa Panginoon. Sinaktan niya tayo, kaya siya rin ang magpapagaling sa atin.

2. Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal, at ibabangon niya tayo para mamuhay sa kanyang presensya.

Hoseas 6