Hoseas 13:2-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Hanggang ngayon, kayo na tinatawag na Efraim ay patuloy pa rin sa paggawa ng kasalanan. Gumagawa kayo ng mga dios-diosan mula sa inyong mga pilak upang sambahin. Pero ang lahat ng ito ay gawa lamang ng tao at ayon lang sa kanyang naisip. Sinasabi pa ninyo na maghahandog kayo ng tao sa mga dios-diosang baka at hahalik sa mga ito.

3. Kaya mawawala kayo gaya ng ulap sa umaga o hamog, o gaya ng ipa sa giikan na tinatangay ng hangin o ng usok na lumalabas sa tsimeneya.

4. “Ako ang Panginoon na inyong Dios na naglabas sa inyo sa Egipto. Wala kayong kikilalaning Dios at Tagapagligtas maliban sa akin.

5. Kinalinga ko kayo roon sa disyerto, sa tuyong lupain.

6. Pero pagkatapos ko kayong pagpalain at paunlarin, naging mapagmataas kayo at kinalimutan na ninyo ako.

9. Pupuksain ko kayong mga taga-Israel dahil ako na nagligtas sa inyo ay kinalaban ninyo.

12. Hindi ko makakalimutan ang mga kasalanan ninyo. Para itong kasulatang binalot at itinago.

13. “Binigyan ko kayo ng pagkakataong magbagong-buhay pero tinanggihan ninyo ito dahil mga mangmang kayo. Para kayong sanggol na ayaw lumabas sa sinapupunan ng kanyang ina sa panahon na dapat na siyang lumabas.

Hoseas 13