6. At nang isusugo na ng Dios ang kanyang bugtong na Anak sa mundo, sinabi niya,“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Dios.”
7. Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:“Ang mga anghel ay magagawa kong hangin.Sila na mga lingkod ko ay magagawa ko ring nagliliyab na apoy.”
8. Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak:“O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran.